Gusto kong maging guro.
Sa Pilipinas.
Sa liblib na lugar.
Yung hindi ka lang basta guro.
Yung tipong isa kang life-changer.
Ayoko mangibang bansa.
Ayokong magtrabaho para sa ibang lahi.
Gusto ko dito.
Gusto kong makitang unti-unti tayong umuunlad.
Lalong lalo na ang antas ng edukasyon.
Pero gusto kong yumaman.
Gustong makabili ng sarili kong kotse.
Makapamasyal sa iba't ibang bansa.
Maitayo ang pangarap kong bahay.
Mapag-tapos ng kolehiyo mga pinsan ko.
Posible ba yon?
~
Ika nga ni DILG Secretary Jesse Robredo, mahirap yung naitulak ka lang ng unos sa ginagawa mo. Mahirap yong walang benefit ang talent mo. Not so many choices. You take what is given you. Yun ang naging buhay nya. Masuwerte na rin daw dahil overachieving pero ayon sa kanya, parang may kulang pa rin.
2 months and 3 days na akong unemployed. Okay pa naman. Hindi naman siguro ako pabigat sa bahay but at the same time, hindi rin ako nakakatulong.
"The only way to always be relevant is to focus on what's eternal. Everything in style will soon be out of style" - Pastor Rick Warren
Wag kang bibitaw sa pangarap mo, Jindra. Posible yan.
xx
No comments:
Post a Comment