Thursday, June 27, 2013

Just A Thought: Daddy.

June 16, 2013 - Father's Day

10:25 AM - I texted my Dad: "Di, happy father's day! Mag-jalibi kayo? Pagbalik ko nlng. Labyu! :)" ...no response. Usually naman nagrereply skin si Daddy especially sa mga gantong pagkakataon... but he didn't. I was thinking, baka nagsisimba pa... My dad never failed to attend the Holy Eucharist every Sunday with my mom.

- before I finish my shift, I checked my Facebook account and clicked the God Wants You To Know app. It says...


...ni hindi sumagi sa isip ko na may iba pa plang meaning to.

3:00 PM - went to Edsa Shrine to attend the Holy Mass with my colleague. I turned off my phone and listened to my favorite priest, Fr. Dave Concepcion. Sabi sa homilya ni father, wala daw perpektong tatay and I was like, "eh bakit si daddy, perfect?" 

Right after the homily, I turned on my phone. Nagdatingan na ang mga text ni Mommy, kapatid ko, pinsan ko, bbm ni Kathy, text tweet at fb post ni Ma-Ann. I was asking them, "anyare???" pero walang nagrereply. Sabi lng ni Kathy sa bbm, "tawag ka nga sa bahay nyo neng. nalilito ako eh." Tinext ko sila mommy pati pinsan ko kung saang hospital ako didiretso. Sabi ni mommy, "Dito na sa bahay." Kinabahan nko. Bakit sa bahay? Pag naoospital si daddy, kulang kulang isang linggo kami nsa ospital. Kung nsa ospital lang si daddy, eh di sana ang text skin ni Ma-Ann, "Ne, nsa ospital daw daddy mo. Nasaan ka?" pero hindi eh. Ang text lang ni Ma-Ann, "Uy. Kamusta? I heard." "Daddy mo?" "Nasaan ka? Tumawag ka na ba sa inyo?" "Ingat ne. Kita tayo mamaya." ---and I was thinking, bakit tayo magkikita mamaya? Hindi pa off nitong si Ma-Ann.

Hindi ko na natapos ang misa. Pero nung palabas nko ng simbahan, bumalik ako para tumanggap ng Holy Communion. On my way to Laguna, walang nagtetext skin.. Iyak nko ng iyak sa bus. I was praying na sana mali ang nsa isip ko but I was also praying na kung ano ang gustong mangyari ni God, mangyari nlng.

5:45 - sinundo ako ng pinsan ko sa likod ng simbahan. Nung nakita ko si Bing, ang tanong ko agad, "Si Daddy?" hindi nya ko sinagot. Sabi ko sa sarili ko, iba na to. Tahimik lang kami pareho. Nung malapit na sa bahay, sabi ni Bing, "Dang, yung daddy mo..." tas umiyak na sya. Gets ko na. Wala na si Daddy. Kinuha sya ni Lord ngayong Father's Day.

Pagdating ko sa bahay, may tolda na. Ganto din nadatnan ko sa bahay nung nawala ang lola kong si Nanay Joving at ang Yayoy namin na si Kuya Itok. Kinalma ko sarili ko. Alam kong madadatnan ko si mommy. Hindi kami dapat mag-sabay. Pagbaba ko ng sasakyan, sinalubong ako ni mommy. humahagulgol habang sinasabi na "Wala na ang daddy mo."


....sa isang iglap, wala nkong daddy. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos. Sya ang best blessing na natanggap ko. Salamat sa siyam na libo dalawang daan apatnapu't pitong araw na nakasama ko sya. Magiging matatag ako. May isa pang blessing si God -si Mommy.

Mahal na mahal kita, di. Sana makahanap ako ng lalaking kagaya mo.