Another song I wrote last night around 1:20 in the morning. It's for someone who just put me in a friend zone. haha ;)
May mga bagay na kay hirap unawain.
Tulad ng isang pagiyak na hindi kayang tapusin.
Tulad ng ulap na mahirap abutin.
Tulad mong kay hirap basahin.
Lagi na ngang magkasama.
Akala ng iba kayo na.
Nagsisimba, naguusap magdamag.
Tanghali, umaga, gabi.
Ikaw lang naman talaga.
Akala mo yun na, hindi pa rin pala.
Akala mo meron na, wala pa rin pala.
Akala mo ikaw na, kaibigan ka lang pala.
Kay hirap umasa sa taong paasa.
Minsan gusto ko ng huminto.
Wala naman atang patutunguhan to.
Nahihirapan nkong maging kaibigan mo.
Sympre mas okay kung higit pa dito.
Akala mo yun na, hindi pa rin pala.
Akala mo meron na, wala pa rin pala.
Akala mo ikaw na, kaibigan ka lang pala.
Kay hirap umasa sa taong paasa.
Akala mo yun na, hindi pa rin pala.
Akala mo meron na, wala pa rin pala.
Akala mo ikaw na, kaibigan ka lang pala.
Kay hirap umasa sa taong paasa.
Oo ikaw nga. Isa kang paasa.
Huwag mkong paasahin sa wala.
Sapagkat ngayon gabi,
Nawawalan nko ng pag-asa...
Sa ati'y nawawalan nko ng pag-asa..
Wag ka kasing paasa.
No comments:
Post a Comment