'Paano ka naging umaasa?
Kase hindi ka sanay sa mga lalaking mabaet, sweet at pogi na bumebefriend sayo
kaya nung may lumapit na ganyan, kinilig ka kaagad!
At iniisip mo, there's something! May malisya kaagad!
Pangalawa, magselos ng naaayon sa relationship status.
Pangatlo, hindi dahil super baet kayo sa isa't isa, kayo na.
Anu yan? Caritas?
Dapat merun ding agreement na kayo tlaga at exclusive kayong magshoshotaan at magiging clingy sa isa't isa.
And as for the guy, ang masasabi ko lang, isa syang jerk.
Alam naman nyang may gusto ka sa kanya at obvious na obvious nman tpos pinaasa ka nya.
Lower your expectations. Wag masyadong umasa.
Kase yang .0001 na pag-asa na yan or otherwise known as malisya ay nagiging germ!
...at lumalaki ng lumalake dahil sa imahinasyon natin at sa pagnanasa na maging tunay na pagibig yan.
At syempre, hindi naman nagiging totoo yan!
Umasa lang kayo kapag 80% sure na na mapapasaiyo ang iyong lalakeng napupusuan.
Tandaan!
There's more to life than love."
~Ramon Bautista~
No comments:
Post a Comment