Thursday, November 28, 2013

Just A Thought: Bakit?

Sa totoo lang, ayokong magtanong kung bakit. Kung bakit ka kinuha agad. All this time pinapatatag ko sarili ko. Pinipilit kong wag tanungin ang Diyos kung bakit ang aga namang bawiin ka samin. Ayoko sana syang kwestyunin. Pilit kong iniisip na may dahilan. Pero hindi ko na kayang hindi magtanong...

Anung dahilan?

Bakit ka kinuha agad?

Bakit ang aga?

Bakit ikaw pa?

Ano bang plano?

Ang daming nangyayare sa buhay ko ngayon, Di. At alam kong ikaw ang kaunaunahang matutuwa kung andito ka pa. Ikaw ang kaunaunahang magsasabi sa akin na "Ayos yan, Dang!"

Nagresign nko sa call center. Andito nko lagi sa Laguna ngayon. Alam ko ito ang gusto mo kahit hindi mo sinasabi skin dati.

Nag-apply na din ako sa DepEd. Balak ko na magturo. Ito ang pangarap mo skin, di ba? Actually pangarap ko din naman yan. Kaso natatakot ako dati eh. Feeling ko wala pa naman akong maibabahagi sa mga magiging estudyante ko.. Pero eto na.. Nag-file npo ako ng application.

Nagpapacertify na rin ako sa TESDA para sa NCII Certification para makapasok agad sa mga schools. Malapit na, Di...

Natuloy na din ang pagmamasteral ko. Namimiss kita. Sigurado akong kung andito ka pa, ikaw ang maghahatid skin kada papasok ako. Titiisin mo init ng araw maihatid lang ako sa Bus Station. At sympre, ikaw din ang kakaon sakin after school. Kahit gabing-gabi na. Namimiss ko umangkas sayo sa motor tuwing gabi.. Kada ihahatid mko. Yung amoy mo. Yung mga kwento mo. Yung mga tanong mo skin tungkol sa trabaho kahit alam ko na hindi naman un ang gusto mong trabaho para sakin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan hindi mo ako pinressure. Hinayaan mo lang ako matuto sa sarili kong pagkakamali at makatuklas ng mga bagay mag-isa. Maraming salamat sa tiwala. Kada pauwi ako sa mula Manila naiisip kita. Naiiyak ako. Naiisip ko na sana andito ka pa. Na pag baba ko ng bus makikita kita na katabi ng motor, nag-iintay sakin.

Nga pala, Di... Nagttrabaho nko sa munisipyo ngayon. Isa to sa mga frustrations mo sa buhay dba? Ang bilis ng mga pangyayari.. Wala akong kilala ni isa sa kanila. Wala din namang nag-back up skin para makapasok ako sa city hall. Feeling ko kagagawan mo to eh. Nilakad mo to noh?

Sobrang miss na kita. Pero hindi ka naman na babalik eh. Yung thought lang na nasa laangit ka kasama si God, yun nlng ang nagpapalakas ng loob ko. Ikaw ang idolo ko, Di. Sana ang ibibigay ni Lord na mapapangasawa ko ay kagaya mo. Yun talaga lagi ang pinagdadasal ko. Kahawig ni Ryan Eigenmann, may takot sa Diyos at sympre gusto ko parang ikaw. Close to perfect. Kahit wag na yung unang category. Kahit yang second and last na lang. 

Mugto na mata ko. Wrong idea talaga tong pagpapatugtog ng "Butterfly Kisses" habang sumusulat sa'yo. Alam mo Di, umattend ako ng dalawang wedding last week. Hindi ko mapigilang maiyak dun sa dance with a father thing. Alam ko kase na hindi na yun mangyayari sa kasal ko. Wala na nga pla kong tatay na mag-sasayaw sa akin sa wedding day ko. Sabi ko pa naman dati, sa gabi bago ang kasal ko, sa gitna nyo ni mommy ako matutulog. Para for the last time, katabi ko ulit kayo matulog. Pero wala na.. Sa imagination ko nlng lahat yun matutupad...

Pakita ka naman sa panaginip ko, Di. Sobrang miss na kita... Mahal na mahal na mahal kita. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa Diyos dahil pina-experience ka Nya samin. You're the best gift I've ever recieved.

Unti-unti nang natutupad ang pangarap ko, pangarap mo at plano sakin ni God. Ang weird at hindi ko maexplain pero ramdam kong He's working on my life. Parang lahat ng bagay na nagyayare, papunta dun.. Sana sa takdang araw, makita ulit kita. Hindi ka man makilala ng utak ko, alam kong ididikta ng puso ko na ikaw ang naging tatay ko sa lupa. Ipapaalala sakin ng puso ko kung gaano ka kaespesyal sakin. Sana dumating ang araw na maintindihan ko rin kung bakit ang aga mong nawala.. Pero kakapit ako sa plano ng Diyos para sating lahat. Sabi ko nga dati, hindi ko na tatanungin kung bakit nangyare. Pero sana tulungan Nya ko para maintindihan ko ang dahilan. Kase ngayon, pagkatapos ng kulang kulang limang buwan, hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit ka kinuha agad..

:'(

No comments: