Sunday, July 21, 2013

Just A Thought: To the guy I loved the most.


Sa taong taga-hatid sa akin sa lahat ng lakad ko.
Sa taong mag-tetext kung nasa office na ba ako or kung nakaupo ba ako sa bus.
Yung nag-aalala pag hindi ako nakapagtext kung nakarating ba ako ng Manila ng maayos.
Yung nagpapaalalang uminom ako ng gamot or umuwi na lang ng Laguna pag may sakit ako.
Yung taong ni isang beses hindi ko narinig magreklamo kung bakit ako nasa call center at hindi ako nagtuturo.
Yung tatay na wala mang trabaho, never naging pabigat sa amin.
Yung tatay na walang bisyo.
Hindi nagiinom, hindi naninigarilyo, hindi nagsusugal at hindi nang-chix.
Yung tatay na pinipilit kami magsimba.
Yung tatay na kahit 25 years old na ako eh nakakatanggap pa rin ako ng sulat ni Santa Claus.

Ngayon, kami na lang apat nila mommy.
Gumigising kami sa umaga na hindi na naaamoy ang niluluto mong sinangag, tuyo at itlog.
Araw-araw, kada gigising ako, ikaw ang naaalala ko.
Sobrang miss na kita.
Lahat ng banat mo, lahat ng patawa mo at lahat ng turo mo sa amin.
Miss ka na nang lahat ng tao dito satin.

Pero siguro nga hanggang doon na lang.
Siguro nga nagawa mo na ang purpose mo dito sa lupa kaya binawi ka na Nya.
Sabi nga nung pari, sya pa nga na pari, alam nya at sigurado sya kung saan ka pupunta.
Kaya wag na daw kami mag-isip..

I am still thankful.
Nakasama kita ng 25years.
Bihira ang magkaroon ng tatay na katulad mo.

Masakit.
Pero kakayanin namin, di.
Pinalaki mo kaming matatag.

Siguro bored na ang mga anghel sa langit kaya kinuha ka na nila.
Magpaka-bibo ka sa langit, ha?
Sana magkita tayo jan.

Ayoko nang kwestyunin si God.
Pero sana tulungan Nya akong maintindihan kung bakit ito nangyare.
I mean, bakit ngayon.

Sobrang miss na kita.
Pero itinatatak ko sa isip ko na nasa magandang lugar ka na.
Na kasama mo na ang lumikha sa atin.

Life is the greatest gift that God has given us.
Death is only a bridge towards eternal life with God.
Certainly, heaven is rejoicing-
for another soul has finally reached his true home.
And I know-
Heaven, surely, is a beautiful place.

Mahal na mahal kita, di.
Maraming maraming maraming salamat.
Sorry. Emo nanaman ang panganay mo.
Miss lang kita.

xx

No comments: